Tuesday, March 01, 2005
Hahaha. Hindi ako tanga. Haha. Hindi ako umoo sa iyo. Haha.
Bakit pala ako tumatawa? Hindi nga ako tanga, pero hindi naman ako masaya. Buti pa si Ezang, tanga nga, masaya naman… kasi kayo na uli.
Muntik na akong umoo sa iyo noon nung tumawag ka tatlong linggong nakaraan. Sabi mo kasi tatawag ka uli, nag I love you too pa nga ako bago natin binaba ang telepono, sabi mo may gagawin ka lang sandali. Alas-diyes nun. Nag-internet muna ako, nag-check ng mail. Alas onse. Alas dose. Sa sala na nga ako matutulog para katabi ko ang telepono. Ala una. Antok na antok na ko pero alas dos na di ka pa tumatawag.
“Tal, gising na samahan mo ko!” Nanay ko yun ah. Uy, may araw na, nakatulog pala ako. Hindi ka tumawag, tinignan ko ang cellphone ko, wala ka namang text.
Hindi ko alam kung matutuwa ako nung araw na yun, kasi nakausap kita nung gabi. Wala pang alas-otso nung tumawag ka, so matagal na rin yun, dalawang oras. Pero hindi ako umoo e. At di ka rin tumawag uli.
Ewan ko, what held me back, malamang ang mighty hand ni Lord, galing talaga Niya! He really works in mysterious but wonderful ways.
In fairness, hindi naman ako umiiyak, nakakangiti pa naman ako, hyper pa rin naman ako, pero nakakapagod ding ngumiti kapag naiisip kita with her.
“Atitay, si Shai daw”, sabi ng kapatid kong bunso. Tumawag ang Pakner ko, ang kaklase ng ex mo. Ayun, nagkwentuhan chikahan, at napag-usapan namin si Ezang… at ikaw. Noon palang kausap kita ay kayo na. Gago ka talaga... gaga din ako. Paniwalang-paniwala na ako sa iyo nun, pero natatakot lang ako. Sinabi mo pa nun na kung maging tayo, di mo ko sasaktan at maghihiwalay lang tayo kung ako ang sumira dahil di mo sisirain.
Kayo daw. Simpleng, “May syota ka?” “Wala, ikaw?” “Wala, mahal mo pa ko?” “Oo, ikaw?” “Oo, tayo na?” “Oo.”
Hahaha.
Yun ang reaction ko kay Shai. Sabi ko tanga talaga ni Ezang. Patawa-tawa, chumismis, tawa pa uli.
Pagbaba ng phone, napaisip ako.
Sinira ko ang sembreak ko for you?! Nag-i-internet ako pag umaga na, umaga as in mga 6am, sembreak yun ah! Ganun ang internet ko kasi baka pag gabi tumawag ka. Di ko nga tinatawagan at sinasagot ang mga tawag nila Liz, Jhen, Ej, Jao at kung sinu-sino pang katelebabad ko dahil baka tumawag ka. Buti na nga lang daw Digitel si Tek kasi kung nagkataon, di ko rin siya kakausapin.
Alam mo ba na pinagtatanggol kita sa nanay ko, tatay ko, mga kapatid ko, mga tita at tito ko, mga pinsan ko, mga kaibigan at kaklase ko, maid namin, mga kaibigan ng nanay ko at pati na sa pusa ko! Sabi ko, mabait ka at kahit na lima ang tattoo mo, dating user ng bato, tsongki at ecstasy, alcoholic, chain smoker, year ahead sa kin pero naging ka-batch kita kasi bumagsak ka ng grade 4, hindi nag-aaral (one week sa AMA nung 1st yr 1st sem, two minutes sa Jose Feliciano 2nd sem, di pumasok last sem at di papasok this sem) at kahit part time lang sa McDo o kahit saan lang wala, e sinasabi kong mabait ka talaga at di lang nabibigyan ng pagkakataon.
Pero di ka na tumawag ulit e. Malamang gumagawa na naman kayo ng anak. Pwede, huwag nyo nang ipalaglag yan. Kawawa na yung huli, limang buwan na rin yun.
Anyway, ok na rin siguro yun. E hindi ata talaga tayo e. Third year pa tayo nagcoconfess ng ating burning passion for each other pero di talaga matuloy-tuloy. Sabi mo nung huli tayong mag-usap, ayaw mo na akong mawala sa iyo. O bakit pinabayaan mo ko?
Bahala ka buhay mo! Di kita kailangan! sabi nga ni Rachel Alejandro, “paalam na, aking mahal, mahirap sabihin, paalam na, aking mahal, masakit isipin, na kahit nagmamahalan pa, puso’t isipa’y magkaiba, maaaring di lang laan, sa isa’t-isa…”
Haha, hindi ako tanga na habulin ka at magmakaawa para hiwalayan mo siya at balikan ako.
Oh well, sige, tanga din ako. Gaga pa nga e. I just didn’t act on it. So may konting utak pa ako, kasama na rin ng pagiging in control ni Lord. Lord, salamat, galing Mo talaga!
At least, chin up ako dahil may direction ang buhay ko at hindi isang dakilang bum ang syota ko at pwede kong ipagsigawan na hindi ako tanga, di ako umoo sa yo! I have a life! Pumasa ako sa Hum 1! Binayaran na ni Armie utang niya! Binigyan ako ng 100 dollars ng Ninong ko! May pasok na, I’m back with people na kayang bigsakin ang ‘as usual’ di gaya mo. Makakasalamuha ko uli ang mga tao na kilala si Joma Sison, hindi gaya mo na akalang siya yung kumanta ng Christmas in our Hearts, Jose Marie Chan yun gago.
Haha.
Pero kahit anong ngiti at halakhak ang gawin ko, alam kong alam mong tanga ako.