Saturday, December 04, 2004


Sigh.
Mahirap magmahal. Masakit magmahal. Masaklap ang magmahal. E bakit ka pa nagmamahal? Tanga.

Makikita mo sya. Nakatitig sa’yong mga mata.
Ngingiti sya’t matutunaw ka.
Di na makahinga pa...
Lalapit..lalapit..
magdidikit ang mga kaluluwa..
biglang titigil..at tanong nya, “O, nasan na sya?”
Di ikaw ang hinahanap nya. Aray. Parang tinamaan ng kidlat ang puso mo. Gusto mong isigaw “Langya! Bakit ako pa tinanong mo!?”
Ngunit di mo nagawa.
Nagkibit-balikat ka na lang at tumingin sa baba.
Di mo na napansing lumakad na sya palayo.
Anong nangyari? Wala. Nasaktan lang puso mo.
Nag-akala ka lang ulit.
Minahal mo lang sya ulit. Pero nasaktan ka lang ulit. Aray.
Di ikaw ang hinahanap, di ikaw ang kailangan...e ano pa nga ba?
e di naman ikaw ang mahal. =C


- n|x - was loved at 3:17 PM
[link to post] [0 smiles for me :)]
~I will keep your secrets. Just think of me as the pages of your diary.~


[ Photos ] [ Anthology ] [ Tagboard ] [ Links ]