Saturday, December 11, 2004


sabi mo.
**i wrote this poem for our filipino hw. (i ended up writing about mush again..but anyway..) i let 2 guy friends of mine read it..and they seemed to have reacted..realistically. First thing they said after reading it..."ouch." The words and phrases may seem pretty typical and simple enough...but once the message gets through to you, maybe you'll react the same way. Here it is...

Sabi Mo

Sabi nila...
Swerte daw ako't kasama kita
Sa araw araw na kapiling ka
Parang wala nang hihilingin pa

Sabi nila...
Para daw tayo sa isa't isa
Tayo'y pinagtagpo ng tadhana
Di na hahanap pa ng iba

Sabi nila...
Iba ang nakikita nila sa atin
Mga mata nati'y nagniningning
Dalawang taong may pagaangkin

Sabi nila...
Pakinggan ang bulong ng puso
Di ba't nagmamahalan na kayo?
Ana pa ngayon ang hinihintay nyo?

Sabi ko naman...
Di ko maipapaliwanag pa
Kung ano itong nadarama
Tuwing kasama ko siya

Sabi ko...
T'wing nakatingin sa kanyang mata
Di na ko makahinga pa
Mundo ko'y hawak nya

Sabi ko...
Matagal ko nang tinatago
Ako'y matagal nang nagsusumamo
Para lamang sa iyong puso

Sabi ko...
Di na kayang itago pa
Sana ngayo'y alam mo na
Mahal na mahal kita...

Sabi mo naman...
Ano bang iniisip nila?
Tayo'y laging magkasama
At laging masay?

Sabi mo...
Bakit ka ba laging nakatingin?
Tila ba may gustong sabihin
Ba't di mo pa aminin?

Sabi mo..
Ginugulo mo lang ang isip ko
Diba't magkaibigan tayo?
Ngayo'y bakit ganito?

Sabi mo..
Diba't sinabi ko sayo
Di tayo kailanman magtatagpo..
Dahil ang sabi ko..
Di ikaw ang mahal ko...




- n|x - was loved at 11:52 AM
[link to post] [0 smiles for me :)]
~I will keep your secrets. Just think of me as the pages of your diary.~


[ Photos ] [ Anthology ] [ Tagboard ] [ Links ]