Monday, December 20, 2004


Pasko ng Noypi

Cool. It’s the 20th of December already. 5 days to go till we celebrate the birth of Jesus Christ! (Hallelujah!Ü)

I was thinking of what I could write here in lieu with the season. We’ve been battered by a lot of bad news this month. The tragedies that the 2 storms have caused, the death of FPJ, the death of De Venecia’s daughter would be some of the many arrows that hit our country right in the chest. This may not be the way we wanted to end year 2004, but we still have reasons to smile about don’t we? Whether it be about our families, the food on our tables, the christmas bonuses, the presents, or your crush, we can still definitely pinpoint some things that we can be thankful for this Christmas.

I was still reading this book by Bob Ong, and in it was a list of Filipino traditions which we’ve come to carry out whenever we welcome Yuletide season. I thought the way the author wrote it was perfect already as it was for readers, so here it is, copied from his book entitled “Bakit baliktad magbasa ng libro ang mga Pilipino?”

“Pero may mga tradisyon ang Pilipino na kahit budburan mo ng snow e mananatiling Pilipino. Tignan mo na lang kung paano nagiging unique ang Pasko natin:

1. Simula December 16, siyam na araw na gumigising nang maaga ang mga tao para sa Misa de Gallo o “Rooster’s Mass.” Kilala rin ito sa tawag na Asimbang Gabi dahil isinasagawa ang misa bago sumikat ang araw. Nagsimula ang matandang kaugalian na ‘to dahil sa kagustuhan noon ng mga Pilipinong magsasaka na makadalo sa nobena, pero dahil sa buong araw silang nasa bukid at wala namang misa sa gabi, ginawa itong madaling araw.

2. Laging may kaakibat na bibingka’t puto-bumbong ang Misa de Gallo, siguro kung wala ‘to, mangangalahati ang tao at konti lang makakakumpleto sa siyam na misa. Pero pag nabuo mo raw ang nobena, pwede ka mag-“wish” at magkaka-totoo ito…parang nag-bonus ka sa video game. Bukod d’yan, pwede ka ring magyabang kahit kanino: “ALAM MO BANG NABUO KO ANG SIMBANG GABI?”

3. Sa gabi ng December 16, umpisa na rin ang raket ng mga Pinoy na kung tawagin ay “carloing.” Excited na tinugtuog ng mga bata ang tambourine nilang yari sa pinitpit na tansan, at tambol na gawa sa binutas at plinastikan na lata ng gatas. Ihanda mo na ang tenga mong marindi sa “Kung sakaling kami’y perwisyo, pasensya na kayo kami’y namamasko” at “We wish you a Merry Chirstmas (3X) and a Happy New Year.” Laging magkasunond yang dalawang yan. Pag narinig mo ang “Pasensya na kayo kami’y namamasko,” makipagpustahan ka, tiyak kasunod n’yan ang “We wish you a Merry Chirstmas…”

Eto pa, pag bumaba sa piso ang ibinigay mo sa mga carloer, yari ka sa parteng “Thank you (2X) AMBABARAT ninyo, thank you!” Pag bingyan mo naman sila ng malaking halaga, sasabihan ka ng “…AMBABAIT ninyo,” pero gabi-gabi ka rin nilang babalikan dahil ayos ka mag-tip. Kaya dapat marunong kang dumiskarte.

“Ang Pasko ay suma---“
“PATAWAAAD!!!”

Pero sa mga bata lang ‘yan effective. Pag mga matanda na ang humirit, yari ka dahil de-sobre! Mapipilitan kang magbigay, at dehins pwede barya. Pero sulit naman dahil kadalasan e may dala pa silang karaoke, tapos may dance number…si Kuya Germs na lang ang kulang, variety show na!

4. Meron tayong mga Christmas tree na plastic, Chirstmas tree na alabre, Christmas tree na kulay puti (White Christmas?), Christmas tree na mga mga tuyong sanga, Christmas tree na kahoy, Christmas tree na 1 foot (bonsai), at Christmas tree na walis ting-ting. Hindi pa kasama dyan ang sanlibong species ng Christmas tree na nadidiskubre ng mga scientist sa Divisoria tuwing Disyembre.

5. May Christmas lights kahit sa mga squatters area na walang linya ng kuryente, at mga bahay na walang kuntador. Maglalagay at maglalagay ng Christmas lights ang mga Pinoy kahit pa brownout tuwing gabi. Pagsisikapang korteheng anghel, star, Christmas tree, candy cane..o kahit pa ampersand ang mga ilaw mapaganda lang ang bintana at matalo ang display ng Manila COD>

6. Meron tayong parol na iba’t-ibang hugis, kulay, laki, itsura, at yari. Lhat ng kaya mong ma-imagine, meron na!

7. Lagi tayong may keso de bola at hamon na parehong di naman talaga masarap kainin dahil parang mga higanteng butil lang ng asin sa sobrang alat.

8. Nagsasabit tayo ng medyas sa bintana sa bisperas ng Pasko. Galing daw ito sa western tradition ng pagsasampay ng medyas sa fireplace para matuyo o mainitan pag winter. Dahil sa chimney dumadaan si Santa Claus, sa mdyas nya na raw inilalagay ang aginaldo. Pero dito sa atin, dahil wala namang fireplace ang mga Pilipino, sa bintana na isinasabit ang mga medyas…para lagyan ni Santa Clause ng limang piso at Bazooka Bubble Gum.

9. Matinik ang mga Pilipino sa mga ninong at ninang. Sa pagpili pa lang, isinasaalang-alang na ang Pasko. At pag-sapit nito, wari mo e meron silang global positioning system na magtuturo sa kinaroroonan ng mga ninong at ninang ng anak nila. Di lang yan, matakasan man ang mga hingian ng aginaldo, asahan mong iapapalala at ipapaalala pa rin yan ng mga magulang ng bata pag nagkita sila kahit sa July.

10. Ang mga dekorasyon, Christmas songs, at espiritu ng Pasko ay nag-uumpisa ng September. Basta may “-ber” na ang pangalan ng buwan, Pasko na. Natatapos ito sa Feast of Three Kings sa ikalawang linggo ng Enero ng sumusunod na taon, pero pwede pa ma-extend yan. Hanggang tinatamad pa magligpit ng Christmas tree ang mga tao, Pasko pa! At huwag mong isiping may kinalaman dyan ang mga Kastila, dahil may mga historical accounts na dalawang-daang taon bago pa dumating dito sila Magellan, meron nang “Pasko” ang mga Pilipino. Tindi!

*Want to make my Christmas merry? Lol. Please post a comment. :D*


- n|x - was loved at 9:58 PM
[link to post] [0 smiles for me :)]
~I will keep your secrets. Just think of me as the pages of your diary.~


[ Photos ] [ Anthology ] [ Tagboard ] [ Links ]