Wednesday, June 08, 2005


Bakit Napapagod Ang Puso?

Tembtation : Bakit Napapagod Ang Puso?

By tembarom

From peyups.com (I highly recommend this site. I made a vow that one day, I'd have my own articles posted on it, hehe)

---------------------------

Sa mga nakalipas na buwan, ilang mga malalapit na mga kaibigang magkasintahan na rin ang narinig kong naghiwalay o nasa bingit ng paghihiwalay. Ang ipinagtataka ko, ang mga nagrereklamo ng pagkabagot o pagkawala ng kasiyahan sa kanilang ugnayan ay mga babae. Naisip ko tuloy, sa isang relasyon, dumarating ba ang panahon na kaming mga lalaki ay nagiging boring at nakakasawa?


Noong bago pa lang kami ng girlfriend ko, napag-usapan namin ang posibilidad ng pagdating ng panahong magmamaliw ang romance. ‘Yun bang tipong kung dati ay matae-tae ako sa paghihintay ng tawag niya, sa bandang huli’y magiging normal at bahagi na lang routine ang phone conversations. O ‘yung dating sipag at siguro’y excitement niyang kantahan ako ay mababawasan din.


May ifinorward pa nga siyang essay sa akin na isinulat ng isang ginang na nagbago na ng damdamin sa kanyang asawa. Sentimental ang babaeng nagsulat. Lagi raw siyang nag-i-expect ng mga romantic moments. Kabaligtaran naman daw ang kanyang asawa. Dahil nga sa pagkawala ng kilig, nais na iya itong i-diborsyo. Siyempre’y nagulat ang lalaki. Tinanong siya ng ng babae:

"Here is the question, if you can answer and convince my heart, I will change my mind, Let's say, I want a flower located on the face of a mountain cliff, and we both are sure that picking the flower will cause your death, will you do it for me?"


Madamdamin ang sagot ng lalaki. Hindi raw niya pipitasin ang bulaklak. Ito ang ilan sa mga dahilang binaggit niya:


“When you use the computer you always mess up the Software programs, and you cry in front of the screen, I have to save my fingers so that I can help to restore the programs...


“You always have the cramps whenever your ‘good friend’ approaches every month, I have to save my palms so that I can calm the cramps in your tummy.


“You like to stay indoors, and I worry that you will be infected by infantile autism. I have to save my mouth to tell you jokes and stories to cure your boredom.”


Na-touch naman ang babae at na-realize niyang sa kabila ng pakiramdam niya’y pagiging insensitibo ng asawa niya, sa kaloob-looban naman ay mahal na mahal siya ng lalaking pinakasalan niya.


Naalala ko tuloy 'yung isang text message: “Just because I don’t love you the way you want me to doesn’t mean I don’t love you” or something to that effect. Para bang ‘di man ako mag-text o tumawag maya’t maya, di naman ibig sabihin noon na hindi kita iniisip 99% ng panahon na gising ako. Bolero ba? Siyempre, hindi ko naman tinotolerate ang pagiging bolero o babaero ng mga kabaro ko. Kapag ganyan na ang usapin, ibang usapan na ’yan.


Pero paano nga ba maiiwasan ang pagkapagod ng puso, maliban sa pagsisikap na manatiling buhay ang romance? Naniniwala akong may mga mas matitibay na bagay na dapat gawing bahagi ng isang relasyon. Siyempre, given na ang pagmamahal. Unang-una ‘yan. Idagdag pa ang maraming cliché:


Honesty. Sabi nga ng isang kasabihan, ang pagsasabi ng tapat, ay pagsasamang maluwat. Pero totoo. Kung sa simula pa lang ay ilalatag na natin sa ating kapareha ang ating kaluluwa, maiiwasan ang ibang di pagkaka-unawaan. And speaking of di-pagkakaunawaan, dapat talaga may unawaan at bigayan. Sabi nga ni Bob Garon, “Healthy lovers enjoy giving as much as they do in receiving… Healthy lovers don’t try to change or control the beloved.” 'Di rin dapat mawala ang pagtitiwala. At siyempre, dapat ay ang Panginoon ang laging nasa gitna ng dalawa.
Hindi ko kung ano ang mga eksaktong nangyari, pero may hinala akong may nakaligtaang alinman sa mga iyan ang mga kaibigan kong magkasintahan kaya ng ilan sa kanila'y napagod.


- n|x - was loved at 9:48 PM
[link to post] [0 smiles for me :)]
~I will keep your secrets. Just think of me as the pages of your diary.~


[ Photos ] [ Anthology ] [ Tagboard ] [ Links ]